BASAHIN: Mga gamit na bawal dalhin sa idaraos na Bar Examinations sa Sept. 8, 11 at 15
Naglatag ng guidelines ang Office of the Bar Chairperson ng Korte Suprema sa mga gamit na ipinagbabawal dalhin para sa idaraos na Bar Examinations sa Sept. 8, 11 at 15.
Ayon sa SC, bawal dalhin sa mga testing center sumusunod na mga gamit:
– Mobile Phone
– Tablets
– Camera
– Lahat ng uri ng relo
– USB Dongles
– Flash Drives
– Earphones at headsets
– Maingay na keyboards
– Vapes at sigarilyo
– hindi otorisadong medical devices
– lighters
– nakalalasing na inumin
– baril
– bladed weapons
– improvised explosive devices
– iba pang gamit na maaring makapanakit
Paalala ng SC, lahat ng examinees ay dadaan sa Security and Safety Inspection sa lahat ng local testing centers.
Sa pagpasok nila sa LTCs, kailangang alisin ang face masks o iba pang face coverings.
Iinspeksyunin din ang kanilang bag at laptop.
Kailangan ding dumaan sa body frisking ng mga examinee para matiyak na wala silang dalang bawal na gamit. (DDC)