DOLE namahagi ng P44M na halaga ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa Cordillera na naapektuhan ng El Niño
Mahigit 6,000 El magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Kalinga at Apayao ang tumanggap cash assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP), ang 5,857 na magsasaka at mangingsda ay nabigyan ng temporary employment sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) Program.
Mayroon namang 359 beneficiaries ang napagkalooban ng livelihood assistance sa ilalim ng Kabuhayan Program.
Ayon kay DOLE–Cordillera Administrative Regional Director Nathaniel V. sa kabuuan umabot sa P36.8 million ang halaga ng naipamahagi sa TUPAD beneficiaries habang P7.5 million naman ang halaga ng naipamahging livelihood assistance.
Ang DILEEP ay bahagi ng “Bagong Pilipinas: Tulong sa Magsasaka at Mangingisda Program” ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (DDC)