Korte Suprema walang utos para sumailalim sa mandatory drug test ang lahat ng empleyado ng korte

Korte Suprema walang utos para sumailalim sa mandatory drug test ang lahat ng empleyado ng korte

Itinanggi ng Korte Suprema na ipinag-utos nito ang mandatory drug test sa lahat ng empleyado ng mga korte kabiilang ang mga hukom.

Ginawa ng Supreme Court ang paglilinaw matapos ang lumabas na post sa social media kung saan nakasaad na base sa circular ng Office of the Court Administrator (OCA) ay ipinag-uutos na sumailalim sa mandatory drug test ang lahat ng hukom, opisyal, at mga empleyado ng korte sa bansa.

Sa pahayag sinabi ni Supreme Court spokesperson, Atty. Camille Ting, sa ilalim ng OCA Circular No. 246-2024 ang lahat ng hukom at court personnel ng mga first and second level courts ay sasailalim sa basic annual physical examination.

Kailangan ng maisagawa ang APE hanggang sa October 15, 2024.

Ayon kay Ting, hindi required sa nasabing circular ang drug testing.

Sa Item F.5 ng Judiciary Health Care Plan on Annual Physical Examination, ang drug testing sa mga hukom, opisyal at empleyado ng korte ay gagawin ng “random basis” lamang. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *