P200M na claim ng mga natanggal na empleyado ng dating subsidiary ng LRTA, ibinasura ng SC

P200M na claim ng mga natanggal na empleyado ng dating subsidiary ng LRTA, ibinasura ng SC

Hindi pwedeng pagbayarin ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa mahigit P200 milyong halaga ng backwages at separation pay para sa mga empleyado ng dati nitong subsidiary na Metro Transit Organization, Inc. (Metro).

Sa desisyong isinulat ni Justice Ramon Paul L. Hernando, pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Audit (COA) na nagbasura sa money claim ng ilang empleyado ng Metro.

Natanggal sa trabaho ang mga empleyado dahil hindi ni-renew ng LRTA ang management contract ng Metro dahilan para magsampa ang mga ito ng illegal dismissal at unfair labor practice laban sa LRTA at Metro.

Nanalo ang mga empleyado sa labor arbiter at sa National Labor Relations Commission (NLRC).

Pero nanalo ang LRTA sa Court of Appeals at sa Korte Suprema dahil sa kawalan ng hurisdiksyon ng NLRC sa isang government-owned and controlled corporation na may sariling charter gaya ng LRTA.
Talo naman ang Metro sa hiwalay na apela.

Sinubukan ng mga empleyado na maningil sa COA pero idinepensa ng COA ang desisyon ng Korte Suprema.

Paliwanag pa ng COA, nagsara na rin ang Metro kaya wala na itong pondong mailalabas pa.

Sa muling pag-akyat ng kaso sa Korte Suprema, sinabi nito na matagal nang pinal ang SC decision tungkol sa LRTA. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *