P117K shabu nakumpiska sa Taguig anti-illegal drug ops

P117K shabu nakumpiska sa Taguig anti-illegal drug ops

Aabot sa ₱117,572 na halaga ng umano’y shabu ang narekober ng mga tauhan ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit na nagresulta ng ng pagkaaresto ng isang Street Level Individual (SLI), sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Palar Southside, Barangay Pinagsama sa lungsod.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Brigadier General Leon Victor Z. Rosete ang nadakip na suspek na si alyas Justine, 27-anyos, isang construction worker.

Nakumpiska sa suspek ang sinasabing 17.29 na gamo ng shabu, buy-bust money at cellular phone na ginamit umano sa transaksiyon.

Inihahanda ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa susprk habang ang narekober na ebidensiya ay dinala sa SPD Forensic Unit upang isailalim sa chemical analysis. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *