Paglikha ng Cabinet Cluster for Education aprubado na ni Pang. Marcos
Aprubado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala ng Second Congressional Commission on Education na lumikha ng Cabinet Cluster for Education.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na layunin nito na matugunan ang 5.5 na taong kakulangan sa tamang edukasyon o kaalaman ng mga mag-aaral at estudyang mga Filipino.
Sinabi pa ni Angara na ang paglikha ng cabinet cluster on education ay para mabusisi, at mabigyan ng solusyon o intervention ang mga kakalungan sa karunungan ng mga estudyante.
Kasama sa cluster ang Commission on Higher Education, Technical and Skills Development Authority, Department of Budget and Management, Department of Labor and Employment, Department of Health, Department of Social Welfare and Development at National Nutrition Council. (CY)