Master’s Degree requirement para sa mga Guidenace Counselor planong alisin ng DepEd

Master’s Degree requirement para sa mga Guidenace Counselor planong alisin ng DepEd

Target ng Department of Education (DepEd) na tanggalin na ang requirement na master’s degree para sa mga aplikante na nais na maging guidance counselors.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Second Congressional Commission on Education (EdCom 2) Executive Director Karol Mark Yee na nasa 5,000 ang bakanteng posisyon na guidance counselors sa ibat ibang eskwelahan sa buong bansa.

Nais aniya ng DepEd na punan ang mga bakanteng posisyon para matugunan ang bullying sa mga estudyante.

Aminado si Yee na sa kasalukuyang sitwasyon, nasa 14 taon ang gugulin para mapunan ang mga bakanteng puwesto.

“Iyong vacancies natin sa DepEd, almost 5,000, plantilla positions ng guidance counsellors, wala. Iyon pala, kapag tiningnan mo, wala namang nag-o-offer ng master’s in guidance counselling all over the country,” pahayag ni Yee.

“Iyong average graduation numbers, 300 per year. To fill all of the vacancies, it will take us 14 years by the current setup,” dagdag ni Yee.

Sinabi naman ni Education Secretary Sonny Angara na nakipag-usap na ang kanilang hanay sa Civil Service Commission (CSC) at Commission on Higher Education (CHEd) para tugunan ang problema.

May binabalangkas na aniyang guidance ang DepEd para sa payagan ang mga guidance and counselling degree holders, psychology graduates at iba pang proesyunal na matanggap sa puwesto.

Hinihikayat din ni Angara ang mga mambabatas na amyendahan ang batas Republic Act No. 9258 o Guidance and Counseling Act of 2004.

“‘Yun ang nagpapahirap. Nakalagay na to be a guidance counselor, you must have a master’s degree. So ang hirap nun eh, to be a teacher diba you only need a bachelor’s degree, you don’t need master’s degree,” pahayag ni Angara. (CY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *