5 dayuhan, 24 na Pinoy na sangkot sa iba’t ibang uri ng scam naaresto ng NBI sa Cavite

5 dayuhan, 24 na Pinoy na sangkot sa iba’t ibang uri ng scam naaresto ng NBI sa Cavite

Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cavite ang 5 dayuhan at 24 na Pinoy na sangkot sa magkakaibang uri ng scam.

Sa press briefing, sinabi ni NBI director Jaime Santiago na nadakip ang 3 Chinese at 2 Malaysian at ang mga Pinoy sa isang subdivision sa Kawit.

Sangkot ang mga suspek sa romance scam, investment scam, cryptoscams, impersonation scams at iba pa.

Sa halip na gumamit ng opisina ay residential units ang inokupahan ng mga suspek at doon nila ginagawa ang kanilang ilegal na aktbidad.

Nakuha mula sa mga suspek ang maraming pre-registered SIM cards, GCash accounts, computers, devices containing scripts, cellphones, textplus machines, at iba pa.

Ang mga naaresto ay sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *