Mahigit 10,000 kaso ng dengue naitala sa Western Visayas; 20 ang nasawi

Mahigit 10,000 kaso ng dengue naitala sa Western Visayas; 20 ang nasawi

Nakapagtala ang Department of Health Western Visayas ng mahigit 10,000 na kaso ng dengue sa rehiyon mula Enero hanggang Aug. 3 ngayong taon.

Sa nasabing datos, umabot na sa 20 ang nasawi.

Ang bilang ng naitalang kaso ay 114 percent na mas mataas kumpara sa parehong petsa noong nakaraang taon.

Dahil dito, muling binuhay ng DOH Western Visayas ang Regional Dengue Task Force and Inter-Agency collaboration para agad makapaghanda sa posibleng outbreak ng sakit.

Sa datos ng DOH Western Visayas, ang Iloilo Province ay nakapagtala ng 3,914 cases; sa Negros Negros Occidental ay mayroong 1,584; sa Aklan ay 1,319; Capiz, 1,083; Guimaras, 809; Antique, 637; Iloilo City, 482; at sa Bacolod City, 360 cases. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *