600 relief packages inihatid ng MPT South sa mga nasalanta ng bagyong Carina

600 relief packages inihatid ng MPT South sa mga nasalanta ng bagyong Carina

Aabot sa 600 relief packages ang naihatid ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isa sa mga subsidaryo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) sa mga nasalanta ng bagyong Carina na tumama sa Metro Manila at Cavite kamakailan.

Kabilang sa nabigyan ng tulong sa ikinasang relief operation ng MPT South ang apektadong residente sa mga Barangay ng Pulvorista at Aplaya sa Kawit, Brgy. Talaba II sa Bacoor, Brgy. Tambo, Don Galo, at San Dionisio sa Parañaque, at Brgy. 201 sa lungsod ng Pasay.

Bukod dito, nagbahagi rin ang kumpanya ng 100 relief packages sa mga valued partners nito, ang Philippine Navy at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), na binibigyan-diin ang pangakong pagsuporta nito sa malawak na network ng mga stakeholders.

“Hangad namin na ang mga relief packages na ito ay makakatulong sa mga pamilya at mga komunidad na palaging mayroong pag-asa, kahit sa mga pinakamahihirap na sitwasyon,” pahayag ni Arlette V. Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPT South.

“Mahalaga na tayo ay magpakita ng pagtutulungan sa kahit anong kaparaanan,” dagdag pa nito.

Ang mabilis at maagap na tugon ng MPT South ay nagpapakita nang hindi natitinag nitong corporate mission at responsibility na sumuporta sa mga komunidad na nakapaloob dito, higit lalo sa oras ng pagsubok.

Binibigyang importansiya ng kumpanya ang kahalagahan ng ‘Bayanihan’, isang natatanging kaugaliang Pilipino sa ngalan ng kooperasyon, pagtutulungan, at kawang gawa, ay nakahandang ibahagi ito lalo’t higit sa oras ng pangangailangan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *