Mayor Vico Sotto hinarap ang mga nagpo-protesta laban sa itinatayong New Pasig City Hall

Mayor Vico Sotto hinarap ang mga nagpo-protesta laban sa itinatayong New Pasig City Hall

Hinarap ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga nagsagawa ng kilos protesta kaugnay ng kanilang pagtutol sa itinatayong New Pasig City Hall.

Ayon kay Sotto, natanggap niya ang impormasyon na mayroong mahigit 300 “PasigueƱo” ang magsasagawang protesta sa harap ng City Hall kaya nagpasya siyang babain ang mga ito.

Ani Sotto, bukas naman siya sa mga katanungan at handa siya sa dayalogo.

Gayunman, nang harapin niya ang mga nagpo-protesta ay inamin mismo ng mga ito na sila ay taga-Quezon City.

Karamihan sa kanila ay hindi rin alam kung bakit sila dinala sa Pasig.

Sa kabila nito ipinaliwanag pa rin ng alkalde kung bakit kinakailangan nang magpagawa ng bagong City Hall.

Ayon kay Sotto masyado nang luma ang kasalukuyang City Hall at hindi na ligtas para sa mga may transaksyon dito.

“Muli po, bukas tayo sa mga katanungan at pagsusuri. Handa tayo para rito, dahil ang ginagawa natin ay napag-isipan nang maigi, maganda/kailangan para sa kinabukasan ng lungsod, at Transparent ang proseso,” ani Sotto.

Tiniyak din ni Sotto na isasapubliko ang detailed costing ng New City Hall Building. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *