Mga pulis bawal ng magbitbit ng payong ng VIPs
Pinagbawalan ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Marbil ang mga pulis na magbitbit ng payong ng mga VIP.
Ginawa ni Marbil ang direktiba araw ng Lunes, Aug. 12 at sinabing hindi bahagi ng trabaho ng mga pulis ang payungan ang mga VIP.
Ani Marbil, nais niyang ibalik ang dignidad sa hanay ng PNP.
Ayon kay Marbil, ang mga pulis ay hindi bodyguard, hindi driver o hindi alalay.
“Hindi po tama ‘yan. Hindi ganyan ang trabaho ng pulis. Let us respect our uniform. Ipakita po natin na tayo ay taong may dignidad. Hindi po tayo tao na basta-basta. Pulis po tayo, hindi po tayo bodyguard, hindi po tayo driver, hindi po tayo alalay. Hindi po tayo bayaran, pulis po tayo,” ayon kay Marbil. (DDC)