LPA sa Extreme Northern Luzon binabantayan ng PAGASA; Luzon at Visayas apektado ng Habagat

LPA sa Extreme Northern Luzon binabantayan ng PAGASA; Luzon at Visayas apektado ng Habagat

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa Northern Luzon.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,375 kilometers East ng Extreme Northern Luzon.

Wala naman itong direktang epekto sa bansa at sakaling mang maging bagyo ito ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Samantala, apektado naman ng Habagat ang Luzon at ang western section ng Visayas.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Region, Zambales, at Bataan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Western Visayas, at Negros Island Region na mayroong isolated na pag-ulan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *