USA wagi ng gintong medalya sa Olympic men’s basketball
Nakuha ng Team USA ang ikalimang sunod na panalo sa Olympic men’s basketball matapos talunin ang France sa score na 98-87.
Sa kabuuan ng laro, umiskor ng 24 points si Steph Curry kasama ang walong three-pointers.
Sa nalalabing 3-minuto ng laban, napababa pa ng France ang lamang ng US mula sa 14 na puntos patungo sa 3 puntos na lamang.
Gayunman, sa nalalabing 2-minuto ng laban, nagpakawala si Curry ng apat na 3-pointer.
Ito ang unang pagkakataon na napasama si Curry sa Team USA bilang kinatawan ng Olympics.
Itinanghal naman bilang Olympic MVP si Lebron James. (DDC)