Aksyon ng aircraft ng China sa Bajo de Masinloc kinondena ni Pang. Marcos
Mahigpit na kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang aksyon ng Air Force ng China sa Bajo de Masinloc.
Sa lumabas na video, binagsakan ng flares ng aircract ng People’s Liberation Army – Air Force (PLAAF) ang aircraft ng
Philippine Air Force (PAF) na nagpapatrulya sa lugar.
Sa pahayag ng pangulo, sinabi nitong unjustified, illegal at reckless ang ginawa ng aircraft ng China.
Ang PAF aircraft ay nagsasagawa lamang noon ng routine maritime security operation sa airspace na sakop ng Pilipinas.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na mananatili itong committed sa proper diplomacy at mapayapang pagresolba ng disputes sa pinag-aagawang teritoryo.
Gayunman ay hinikayat nito ang China na maging responsable sa mga hakbang nito. (DDC)