Kapatid ni Leyte Mayor Remedio Bebot Veloso arestado ng NBI sa kasong murder

Kapatid ni Leyte Mayor Remedio Bebot Veloso arestado ng NBI sa kasong murder

Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kapatid ni San Isidro, Leyte Mayor Remedio Bebot Veloso na si Emmanuel “Weng Weng” Veloso dahil sa kasong murder.

Si Veloso ay nadakip sa Barangay Linao, San Isidro, Leyte noong Agosto 7 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte.

Si Veloso ang itinurong suspek sa pamamaril at pagpatay kay Municipal Administrator Levi Aporbo Mabini sa Barangay CapiƱahan, San Isidro, Leyte noong May 8, 2019.

Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago, agad na inilipat si Veloso sa Quezon City dahil sa isyu ng seguridad.

Nabatid na ilang taong nagtago sa mga awtoridad si Veloso.

Una nang naghain ng kasong murder ang NBI laban kay Veloso at sa kapatid nitong si Mayor Veloso dahil sa pagpatay kay Mabini

Pero pinabulaanan ni Mayor Veloso ang akusasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *