Matagumpay na ‘all-time-low’ unemployment pinuri ng Trabaho Partylist

Matagumpay na ‘all-time-low’ unemployment pinuri ng Trabaho Partylist

Pinuri ng Trabaho Partylist ang kasalukuyang economic policy ng Marcos administration ngayong nakamit muli ng Marcos administration ang makasaysayang “all-time low” na unemployment rate ng Pilipinas.

Dagdag pa ng Trabaho Partylist, napagtagumpayan pa lalo ng administrasyon ang direksyon nito sa ekonomiya matapos makamit ang ikalawang pinakamataas na GDP growth o Gross Domestic Product Growth sa buong mundo.

Ayon kay Atty. Filemon Javier, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, ‘di maitatanggi kung gaano kahirap ang mga minanang pandaigdigang hamon kaya’t malinaw na tama ang tinatahak na polisya ng administrasyon.

Dahil dito, sinabi ng Trabaho Partylist spokesperson na pumalo na ng 96.9% ang employment rate base sa ulat ng Philippine Statistics Authority, bagay na ikinatuwa ng grupo dahil nakahanay ito sa mga plataporma nilang pagpapalakas ng kalidad ng trabaho, disenteng sahod at maayos na non-wage benefits.

Para sa Trabaho Partylist, iginiit din ni Atty. Javier ang kahalagahan ng “Build Better More” infrastructure program ng Marcos administration matapos iulat ng Philippine Statistics Authority na nagkaroon ng tinatawag na construction boom.

Ayon sa PSA, nakapagtala ito ng pinakamataas na increase nang 16.1% sa Gross Fixed Capital Formation sa industriya ng konstruksyon noong second quarter ng 2024, na ayon sa Trabaho Partylist ay dapat may tamang pagkilala sa mga masisipag na Pilipinong manggagawa.

Kinilala rin ng Trabaho Partylist ang tagumpay ng administrasyon matapos ito makapagdagdag ng halos isang milyong trabaho sa bansa kumpara noong nakaraang taon, partikular sa sektor ng konstruksyon,

Dahil dito, iginiit ni Atty. Javier ng Trabaho Partylist na dapat pa ring tutukan ang pagkontrol ng inflation at pagpapaganda ng kalidad ng trabaho, na kabilang sa mga “most urgent national concerns” ng mga mamamayan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *