Northbound at Southbound portions na bahagi ng EDSA sasailalim sa road rehab

Northbound at Southbound portions na bahagi ng EDSA sasailalim sa road rehab

Sasailalim sa rehabilitasyon ang northbound at southbound na bahagi ng EDSA.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH)-National Capital Region (NCR), sisimulan ang rehabilitasyon sa August 9 at tatagal hanggang Agust 26, 2024.

Sa kasagsagan ng rehabilitasyon, isasara ang Northbound at Southbound portions ng EDSA para makapagsagawa ng asphalt overlay.

Apektado ng pagsasara ang EDSA Southbound sa San Juan City – mula sa Connecticut patungong Ortigas Avenue; at ang EDSA Northbound sa Mandaluyong City, paglagpas ng Guadalupe Bridge patungo ng Shaw Boulevard.
Ayon sa DPWH-NCR, para hindi magkaroon ng matinding abala ang road repair works ay gagawin kada weekend na sisimulan alas 11:00 ng gabi ng August 9.

Inaasahang mabubuksan sa daloy ng traffic ang isasarang bahagi ng kalsada 5:00 ng umaga ng August 26. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *