LRT-1 hihinto ang operasyon sa tatlong magkakasunod na weekend
Tatlong magkakasunod na weekend na mawawalan ng operasyon ang LRT-1.
Ayon sa abiso ng Light Rail Manila Corporation or LRMC, magpapatupad ng temporary suspension sa biyahe ng LRT-1 sa sumusunod na Sabado at Linggo:
⚪️August 17-18
⚪️August 24-25
⚪️August 31-September 1
Sa nasabing mga petsa, walang operasyon mula Fernando Poe Jr. Station hanggang Baclaran Station.
Ito ay para mapagtuunan ng pansin ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 na inaasahang magbubukas sa 4th Quarter ng 2024.
Ayon sa LRMC, ang temporary closures ay magreresulta sa long-term convenience sa sandaling mag-operate na ang Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension. (DDC)