BAI pinakilos na ng DA kaugnay sa mga kaso ng ASF na naitala sa Batangas
Pinakilos ng Department of Agriculture (DA) ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa naitalang mga kaso ng African Swine Fever (ASF) sa ilang munisipalidad sa Batangas.
Kabilang sa ipinahahanda ni DA Sec Francisco Tiu Laurel ang pagsasagawa ng emergency procurement ng ASF vaccines.
Sa oras na magdeklara ang local government units ng state of emergency sa kanilang mga munisipyo, agad na bibili ang DA ng 10,000 doses ng bakuna.
Ayon kay Laurel ang posibleng dahilan ng mga kaso ng ASF ay ang naranasangcmga pagbaha sa mga lugar kung saan nakalibing na mga ASF-infected na baboy.
Magbibigay ang DA ng apog sa mga hog producers sa Batangas.
Ilalagay ito sa mga pinaglibingan upang maiwasan ang pagkalat ng virus kung sakaling magkaroon ulit ng pagbaha.
Patuloy naman ang pakikipagtulungan ang DA sa pulisya at militar upang magpatupad ng checkpoints para mapigilan ang pagkalat pa ng ASF sa mga kalapit na bayan. (DDC)