BuCor dumaranas ng kakulangan sa medical doctors at iba pang hi-tech professions

BuCor dumaranas ng kakulangan sa medical doctors at iba pang hi-tech professions

Kasalukuyang dumaranas ng kakulangan sa medical doctors, nurses, pharmacists, teachers, guidance counselors, priests, at iba pang highly technical professions ang Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa nakakapagod na mga pisikal na aktibidad sa training kapag nag-aaplay para sa nasabing mga trabaho.

Dahil sa kakulangan ng bagong recruits kasama ang mataas na teknikal na mga kuwalipikasyon, ipinag-utos na ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang pagbabago sa mga training courses upang humikayat ng mas maraming aplikante at maabot ang requirements ng ahensiya.

Inihayag ni Catapang ang kakapusan ng doctors sa mga kulungan ng BuCor sa bansa kung saan ang ratio ay isang doctor sa kada 5,371 PDLs (1:5,371 PDLs) kumpara sa ideal ratio na 1:700 sa populasyon kung saan lumalaki ang suliranin sa nakabinbin pagreretiro sa serbisyo ng isa sa 10 doctors sa katapusan ng taon 2024 at dalawa pa rito ang magreretiro naman sa 2025.

“Natatakot kasi ang mga applikante na mag-apply sa Bucor kasi takot sila sa physical training, at siyempre ayaw nila magpa-hair cut,” Catapang said.

Upang remedyuhan ang sitwasyon,nais ng BuCor na magpatupad ng ilang pagbabago o adjustments sa nga aplikante na may highly technical qualifications sa pamamagitan ng pagpapaikli sa kanilang training sa isa at kalahating buwan katumbad ng 45 na araw imbes na anim na buwan at limitahan ang training course sa executive training course na may hindi nakakapagod na mga pisikal na aktibidad.

“Their training will be limited to orient them on BuCor mandates, missions, vision as well as discussion on prison rules and regulations, duties and responsibilities of their ranks including the regimented nature of work under the uniformed service, among others,” pahayag bv BuCor chief.

Pagdating aniya sa gupit sa buhok ay hindi na inoobliga sa sport military hair cut, sa halip ay papayagan ang maigsing buhok.

Binagyang-diin ni Catapang na ang suweldong alok ng BuCor para sa technical positions ay “very competitive” na nagsisimula sa P29,668 hanggang P91,058 kada buwan na ang taas-sahod na inanunsyo ng Pangulo.

Depende sa inaaplayang posisyon kapag natanggap sa serbisyo, sinabi ni Catapang na magsisimula sila sa ranggong Corrections Officer 1 katumbas ng private hanggang sa Corrections Technical Chief Superintendent na kapantay ang one star general.

Sa ngayon ang Bucor ay nangangailangan ng Physicians (Medical Doctors), Dentists, Dentist Assistants, Radio technologists, Pharmacists, Laboratory Technicians, Medical Technologists, Medical Technologist Assistants, Nutritionists- Dietitians, Nurses, Psychiatrists, Psychologists, Psychometricians, Sociologists, Social Workers, Embalmers, Sanitary Engineers, Architects, Engineers, Lawyers, Legal Assistants, Accountants, Nephrologists, Pulmonologists, Internal Medicine, Obstetricians – Gynecologists, Midwives, Respiratory Therapists, Physical Therapists, Orthopedic Surgeons, Veterinaries, Guidance Counsellors, Chaplains, Teachers, Finger print examiners, Chemists, Chemical Engineers, Digital Forensics, at iba pang Allied Reformation Officers. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *