“Fixer” ng mga reklamong inihahain sa Ombudsman, tanggal sa puwesto

“Fixer” ng mga reklamong inihahain sa Ombudsman, tanggal sa puwesto

Kinatigan ng Korte Suprema ang pagkakatanggal sa puwesto ng isang dating kawani ng Ombudsman na napatunayang tumanggap ng pera para “ayusin” ang mga nakabinbing reklamo sa ahensya.

Sa mga text messages, nahuli ang pakikipagsabwatan ni Rolando B. Zoleta, dating taga-Office of the Special Prosecutor, sa kanyang kasamahan para mangikil ng pera para impluwensiyahan ang desisyon ng Ombudsman.

Tugma ang ginamit niyang cellphone number sa number na nakarehistro sa kanyang records.

Nilaglag din siya ng kanyang kasabwat.

Sa desisyon ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, guilty si Zoleta ng grave misconduct, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Ayon sa desisyon ng SC, ang ginawa ni Zoleta ay pagpapakita ng kawalan niya ng moral at pagpapatunay ng dishonest acts. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *