PCG nakapagtala ng molasses spill sa karagatan ng Negros Occidental

PCG nakapagtala ng molasses spill sa karagatan ng Negros Occidental

Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa naganap na molasses spill sa katubigan sa bahagi ng Sagay Feeder Port, Sagay, Negros Occidental.

Ayon sa PCG, nagsimulang makita ang pagkakaroon ng discoloration sa tubig sa paligid ng MT Mary Queen of Charity umaga ng Miyerkules, Aug. 7.

Ang barko ay nasa lugar para magsagawa ng shore-to-ship operations mula sa lorry truck na magkakarga ng molasses patungo sa naturang barko.

Tinatayang 300 metric tons ng molasses ang naisakay na sa barko ng mapansin ang discoloration sa tubig.

Agad namang iniutos ng PCG na itigil ang loading ng molasses.

Nagsagawa na din ng water sampling ang Marine Environmental Protection Unit (MEPU) gayundin ang containment at recovery operations.

Nakipag-ugnayan na din ang PCG sa City Environment and Natural Resources (CENRO) at sa local government unit (LGU). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *