Manila City LGU magbibigay ng P2M para kay Carlos Yulo at P500K para kay EJ Obiena
Magkakaloob ng cash assistance ang Manila City Government para kina Carlos Yulo at Ernest John “EJ” Obiena para sa kanilang tagumpay sa Paris Olympics.
Ayon kay Manila City Mayor Honey Lacuna, bibigyan ng P2,000,000 si Yulo para sa dalawang gintong medalyang nakuha nito sa Olympics.
Si Yulo ay isang ManileƱo na nag-aral sa Aurora A. Quezon Elementary School sa Malate at ilang beses naging pambato ng Maynila sa Palarong Pambansa.
Samantala, dahil sa ipinakitang talento at sportsmanship at pagtatapos sa ikaapat na pwesto sa pole vault finals bibigyan naman ng P500,000 si Obiena.
Si EJ Obiena ay mula sa Tondo, Maynila at nag-aral ng high-school sa Chiang Kai Shek College, at naging pambato ng UST-Manila sa UAAP. (DDC)