Bagyong binabantayan ng PAGASA, walang magiging epekto sa bansa

Bagyong binabantayan ng PAGASA, walang magiging epekto sa bansa

Walang magiging epekto ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa sa susunod na dalawang linggo.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo na mayroong international name na “Maria” ay huling namataan sa layong 2,230 kilometers east northeast ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, sa suusnod na dalawang linggo o hanggang Aug. 20, walang magiging epekto ang bagyo sa bansa.

Gayunman, patuloy na imomonitor ng weather bureau ang posibleng pagbabago ng direksyon nito.

Samantala, nananatili namang umiiral ang Habagat at nakaaapekto sa Northern at Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw ng Huwebes, Aug. 8 ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales at Bataan.

Maulap na papawirin din na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *