Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
Tumama ang magnitude 4.7 na lindol sa lalawigan ng Cagayan.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 31 kilometers northwest ng Calayan, 11:30 ng umaga ng Miyerkules, Aug. 7.
May lalim na 10 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing lindol. (DDC)