Sen. Go namahagi ng tulong sa mga healthcare frontliner sa Samar
Bumisita si Senator Christopher “Bong” Go sa San Jorge, Samar sa pagdirigwang ng Araw ng Samar.
Nakiisa si Go sa pagtitipon ng mga community health frontliners sa San Jorge Municipal Covered Court.
Sa nasabing aktibidad, nagkaloob ng tulong si Go sa mga healthcare frontliners.
“Ang importante po dito ay magtulungan lang po tayo at magmalasakit. Huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil andito lang ang gobyerno palaging magseserbisyo at magmamalasakit sa inyo. Hindi namin kayo pababayaan,” ayon kay Go sa kaniyang talumpati.
Nakiusap din ang senaor sa mga healthcare frontliner na huwag pabayaan ang mga kababayan na maysakit lalo na ang mga mahihirap.
Si Go kasama ang kaniyang Malasakit Team ay namahagi ng grocery packs, shirts, basketballs, volleyballs, vitamins, at snacks sa 1,000 katao na kinabibilangan ng mga Barangay Health Workers (BHW), daycare workers, at Barangay Nutrition Scholars (BNS).
Namigay din ang senador ng bisikleta, sapatos, mobile phones, at relo sa mga piling beneficiaries.
Sa pakikipagtulungan kay Senator Robin Padilla at sa lokal na pamahalaan sa Samar, namahagi din si Go ng tulong-pinansyal.
“Magseserbisyo ako kahit saang sulok ng Pilipinas. Iyan po ang ipinangako ko sa inyo. Nais ko pong makapagbigay ng solusyon sa inyong mga problema at makapag-iwan po ng kaunting ngiti sa panahon ng inyong pagdadalamhati,” ayon sa senador. (DDC)