Kaso ng dengue tumaas; pero bilang ng naitalang nasawi, bumaba ayon sa DOH

Kaso ng dengue tumaas; pero bilang ng naitalang nasawi, bumaba ayon sa DOH

Nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa pero bumaba naman ang bilang ng mga nasawi dahil sa nasabing sakit.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala na ng 128,834 na kaso ng dengue mula noong Enero hanggang Hulyo ngayong taon na 33% na mas mataas kumpara sa 97,211 cases sa parehong petsa noong nakaraang taon.

Mas bumaba naman ang naitalang bilang ng mga nasawi sa dengue ngayong taon.

Ayon sa DOH, nakapagtala ng 337 na nasawi mula Enero hanggang Hulyo, mas mababa sa 378 sa parehong petsa noong 2023.

Ang pagbaba ng bilang ng mga nasawi ayon sa ahensya ay dahil sa mas maagap na sa pagpapakonsulta ang mga nagkakasakit dahilan para maagapan ang dengue.

Patuloy namang pinapayuhan ng DOH ang publiko na maging maingat dahil nakikitaan pa din ng uptrend ang kaso ng dengue sa bansa.

Mula sa 12,153 cases noong June 16 hanggang 29 ay tumaas ito sa 18,349 cases mula June 30 hanggang July 13.

Kabilang sa nakitaan ng pagtaas ng kaso ng dengue ay ang mga rehiyon ng Western Visayas, Central Visayas, Cagayan Valley, at CALABARZON. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *