P4.56B na Confidential fund ng Office of the President idinepensa ng DBM

P4.56B na Confidential fund ng Office of the President idinepensa ng DBM

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa Fiscal Year 2025 na panukalang national budget dinepensahan ni Secretary Amenah F. Pangandaman ang paglalaan ng confidential at intelligence funds (CIF) sa Office of the President.

Binigyang-diin ni Pangandaman ang kritikal na papel ng pangulo sa pambansang seguridad at foreign policy bilang commander-in-chief at overall architect ng national security at foreign policy.

Nilinaw din ni Pangandaman na ang CIF ng Office of the President ay nanatili sa P4.56 bilyon mula noong 2022.

Mahalaga aniya ang nasabing pondo sa pagtugon sa urgent security challenges, pagsasagawa ng critical intelligence operations, at pagpapatupad ng mga polisya upang protektahan ang interest ng bansa.

Napakahalaga ng CIF ayon kay Pangandaman upang magampanan ng pangulo ang pagsasagawa ng desisyon na high-level, pamamahala sa mga krisis, at sa pagtiyak na ang Pilipinas ay nananatiling ligtas at matatag laban sa panloob at panlabas na mga banta.

Bumaba ang CIF ng 16 percent sa 2025 National Expenditure Program kung ikukumpara sa 2024 General Appropriations Act (GAA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *