33,000 Family Food Packs ipinamahagi ng DSWD sa mga naapektuhan ng oil spill
Umabot sa 33,300 Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga naapektuhan ng oil spill sa Bataan at Cavite.
Ito ay bilang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan matapos mawalan ng pagkakakitaan dahil sa oil spill.
Ayon sa ahensya, 25,000 foood packs ang naipamahagi sa Trece Martires sa Cavite; 2,300 sa Limay Bataan at 5,000 sa Provincial Government ng Bataan.
Patuloy pa ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang agarang maihatid ang nararapat na tulong para sa mga apektadong indibidwal. (DDC)