DepEd pinaalalahanan ang mga paaralan na sumunod sa “No Collection Policy”

DepEd pinaalalahanan ang mga paaralan na sumunod sa “No Collection Policy”

Mahigpit ang paalala ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan na sundin ang “no collection policy”.

Sa ilalim ng memorandum 41 series pf 2024 iginiit ng ahensya ang “No Collection Policy” na nangangahulugang walang dapat na sinisingil sa mga estudyante at guro sa lahat ng elementary at secondary schools sa panahon ng enrollment period at sa buong school year.

Paalala ni Education Secretary Sonny Angara bawal ang pagbebenta ng mga tiket o pagkulekta ng contributions.

Hindi naman sakop ng polisiya ang membership fees para sa Red Cross, Girl Scouts of the Philippines, at Boy Scouts of the Philippines.

Pinapayagan din kung magbibigay ng kontribusyon ang mga magulang at iba pang stakehokders para suportahan ang mga barrio high schools. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *