Pang. Marcos binati ang boxer na si Aira Villegas sa tagumpay sa Paris Olympics
Knockout performance para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pakikipagbakbakan ng Filipinong boksingero na si Aira Villegas laban sa pambato ng Turkey na si Buse Naz Cakiroglu sa 2024 Paris Olympics.
Sa Facebook post, sinabi ni Pangulong Marcos na nakaka-proud ang Olympic debut ni Villegas.
“Congratulations, Aira! That was a knockout performance in your Olympic debut! You made us all proud and are surely an inspiration to young Filipinas,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Pinasalamatan din ng pangulo si Villegas sa pag-uwi ng bronze medal.
Tinalo ni Cakiroglu si Villegas sa semifinals sa women’s 50 kg category kung kaya bronze medal lamang ang maiuuwi sa bansa.
Hindi naman nagpahuli si First Lady Liza Marcos sa pagbati si Villegas.
“Pinays can really pack a punch worthy of an Olympic medal,” pahayag ni First Lady Marcos.
“Congratulations, Aira! You put up a fantastic fight in your Olympic debut. We are all very proud of you and we can’t wait to welcome you home!” pahayag ni First Lady Marcos.
Ito na ang ikatlong medalya na nasungkit ng Pilipinas.
Dalawang ginto mula sa gymnast na si Carlos Yulo at isa kay Villegas.
Sa ilalim ng Republic Act 10699, makatatamggap ng P2 milyong premyo ang mga Filipinong atleta na makapag uuuwi ng bronze medal sa Olympics. (CY)