Davao Oriental niyanig ng magnitude 5.2 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa 101 kilometers northeast ng bayan ng Baganga, 1:39 ng hapon ng Martes, Aug. 6.
May lalim na 1 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro.
Ang pagyanig ay aftershock ng naitalang magnitude 6.8 na lindol sa Surigao del Sur noong Aug. 3. (DDC)