Mga Pinoy sa Bangladesh pinag-iingat ng DFA

Mga Pinoy sa Bangladesh pinag-iingat ng DFA

Patuloy na binabantayan ng pamahalaan ang sitwasyon sa Bangladesh.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), panawagan ng Pilipinas ang mapayapa at maayos na transition of power sa nasabing bansa matapos ang resignation ni Prime MInister Sheikh Hasina noong Lunes, Aug. 5.

Simula noong Aug. 2 ay itinaas na ng DFA ang Alert Level 1 sa Bangladesh.

Lahat ng Pinoy sa nasabing bansa ay pinapayuhan na manatili lamang sa indoors at regular na i-monitor ang sitwasyon.

Handa rin ang Philippine Embassy sa Dhaka na asistihan ang mga Pinoy na maaapektuhan ng nagpapatuloy na political problem sa bansa.

Noong Lunes, nakapagtala ng 91 katao na nasawi at daan-daan ang sugatan sa marahas na protesta sa Bangladesh. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *