BI naglabas ng lookout bulletin laban kay Harry Roque

BI naglabas ng lookout bulletin laban kay Harry Roque

Nagpalabas ng Immigration Lookout Bulletin (ILBO) ang Bureau of Immigration (BI) laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque at 11 iba pa kaugnay sa sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Inilabas ng BI ang ILBO laban kina Roque; Cassandra Li Ong, na siyang authorized representative ng Porac POGO hub; dating Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) deputy director general Dennis Cunanan, at iba pa.

Ginawa ng BI ang aksyon dahil usaping kinasasangkutan ni Roque at ng iba pang nabanggit na indbidwal.

Sa ilalim ng ILBO, ang pagbiyahe ni Roque ay imomonitor ng BI para malaman at mabantayan ang kaniyang kinaroroonan.

Tinawag naman “harassment” ni Roque ang hakbang ng BI.

Aniya, haharapin niya ang lahat ng akusasyon laban sa kaniya at wala ding dahilan para lumabas siya ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *