Habagat magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa
Patuloy na uulanin ngayong araw ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Habagat.
Ayon sa PAGASA, apektado ng Habagat ang SOuthern Luzon at Visayas.
Ang Low Pressure Area (LPA) naman na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa layong 835 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Dahil sa Habagat, makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Western Visayas, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Visayas, Bicol Region, nalalabing bahagi ng MIMAROPA, at sa nalalabing bahagi ng CALABARZON.
Habang maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa. (DDC)