LPA binabantayan ng PAGASA sa Northern Luzon; Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

LPA binabantayan ng PAGASA sa Northern Luzon; Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa bahagi ng Extreme Northern Luzon.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 1,155 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Samantala, malaking bahagi naman ng bansa ang uulanin ngayong araw ng Lunes, August 5 dahil sa Habagat.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan, Western Visayas, Negros Island Region, at Central Visayas.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman na may isolated na pag-ulan ang iiral sa buong Mindanao, sa Cavite, Batangas, at sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA at Visayas.

Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin din ang mararanasan na mayroong isolated na pag-ulan o thunderstorms. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *