Baybaying dagat sa ilang bayan sa Samar, Eastern Samar at Leyte positibo pa rin sa red tide toxins
Positibo pa rin sa nakalalasong red tide ang mga baybaying dagat sa ilang bayan sa Samar, Eastern Samar at Leyte.
Ayon sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), positibo sa red tide toxins ang coastal waters ng Daram Island, Zumarraga Island; sa Matarinao Bay sa Eastern Samar; at Cancabato Bay sa Leyte.
Nananatili ding positibo sa red tide toxins ang coastal waters ng
Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; San Benito sa Surigao del Norte; at nadagdag sa listahan ang baybayin ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay.
Lahat ng uri ng shellfish kabilang ang alamang na makukuha sa nasabing mga lugar ay hindi ligtas kainin.
Nananatili namang ligtas ang paghuli at pagkain ng lahat ng uri ng isda, pusit, hipon at alimango basta’t tiyakin na ito ay nahuhugasan ng mabuti at nalilinis bago lutuin. (DDC)