Taguig City namahagi ng libreng school supplies at uniforms sa higit 190,000 public school students

Taguig City namahagi ng libreng school supplies at uniforms sa higit 190,000 public school students

Upang markahan ang bagong panuruan ngayong taon, pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang pamamahagi ng libreng school supplies at uniforms sa mga estudyante sa lahat ng pampublikong paaralan sa Taguig City.

Nitong July 27 sinimulan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang distribusyon ng kumpletong sets ng school supplies at uniforms sa mahigit 190,000 na estudyante mula sa 52 na paaralan.Tampok sa mga nasabing uniporme at gamit pang-eskuwela ang pinagandang mga disenyo at materyales kung saan isinama rito ang positibong pananaw ng mga estudyante, magulang at guro sa nakalipas na school year.

Para siguruhing maayos ang pamamahagi, ang mga supplies at uniforms ay ibinigay sa bawat class adviser sa kani-kanilang silid-aralan.

Ipinakilala rin ng lungsod ang libreng alteration services sa bawat paaralan upang tiyaking magkasya o wasto ang sukat ng mga uniporme.

Binigyang-diin ni Mayor Lani Cayetano ang pangako ng Taguig na edukasyon sa kasagsagan ng pamamahagi.

“Dito sa Lungsod Taguig, mahigit isang dekada na nating ginagawa na tanggalin ang burden sa mga magulang sa tustusin para sa mga gamit ng mga anak. Lagi po naming pinagsusumikapan na hindi maranasan ng mga magulang ang hirap; na maramdaman nila na katuwang nila ang Lungsod Taguig sa pagpapaaral ng kanilang mga anak. Sana po ito’y lagi nating pahalagahan,” sabi ni Mayor Lani.

Pinasalamatan ng mga magulang si Mayor Lani at ng Taguig LGU para sa pagpapagaan sa kanilang pinansiyal na pasanin lalo na ngayong mataas ang presyo ng school supplies.

“Bilang magulang, napakalaking tulong po ito sa amin na makabawas sa gastusin. Hindi po biro ang presyo ng mga bilihin ngayon lalo na sa mga school supplies. Sa edukasyon po sa Taguig, simula day care hanggang college, maraming programa si Mayor Lani. Libre lahat. Nawa po’y magpatuloy po ito,” ani Jessa Radazza, nanay ng incoming Kinder learner na si Josh Andrei.

Ang distribusyon ng libreng school supplies at uniforms ay bahagi ng Taguig sa dedikasyon nito sa edukasyon kung saan ipinagmamalaki ang pinakamataas na scholarship budget sa bansa na umabot sa ₱850 million.

Ang operasyon ng mga paaralan sa Taguig ay istriktong ipinapatupad ang no collection policy, na sumisiguro na ang edukasyon ay nananatiling libre at para sa lahat ng estudyante. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *