Donasyon ng UAE sa mga nasalanta ng bagyong Carina at Habagat, agad naibigay sa mga apektadong lugar

Donasyon ng UAE sa mga nasalanta ng bagyong Carina at Habagat, agad naibigay sa mga apektadong lugar

Inumpisahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng mga relief goods na donasyon ng gobyerno ng United Arab Emirates (UAE).

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, agad naimapahagi sa mga local government units (LGUs) sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon Carina at ‘Habagat’ ang mga relief goods.

Sa utos ni Gatchalian, naibiyahe agad ang mga relief good mula AUE sa mga recipient LGUs sa Metro Manila at Central Luzon, sa loob ng 24 na oras mula ng dumating ang donasyon sa bansa.

Kabilang sa mga LGU na nakatanggap na ng donated goods mula UAE ang Marikina City na nakakuha ng 832 boxes ng food items; Navotas City na tumanggap ng 384 boxes; at ang mga lalawigan ng Bulacan, Bataan at Pampanga na nakatanggap ng tig-416 boxes.

Nagbigay ng 80 tons ng donasyon ang UAE para sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Laman ng bawat kahon ang pasta, wheat flour, basmati rice, red lentils, dates, chickpeas, powdered juice, tomato paste, asukal, asin, at sweet corn. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *