P44-million uncertified appliances sa Bulacan nakumpiska ng DTI Task Force Kalasag
Nakumpiska ng DTI Task Force Kalasag ang aabot sa P44 milyong halaga ng uncertified household appliances sa warehouse sa Plaridel, Bulacan.
Naunang nakumpiska sa parehong lugar ang P9.3 million uncertified appliances.
Sa datos ng DTI ngayong 2024 ay nasa halos P118 milyon ng uncertified appliances ang nakumpiska sa mga operasyon ng ahensiya.
Simula pa ay naging aktibo ang Task Force Kalasag sa mga operasyon nito sa mahigit tatlong buwan.
“As such, I would like to congratulate the dedicated and hardworking staff of the Fair Trade Group (FTG), Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB), and the Product Standards Monitoring and Enforcement Division (PSMED), respectively headed by Assistant Secretary Agaton Teodoro Uvero, Director Fhillip Sawali, and Chief Ryan Ray Baluyot,” sabi ni DTI Secretary Fred Pascual.
Sa mga nakalipas na tagumpay sa pamamagitan ng aktibong pakikipag-ugnayan ng DTI sa partners nito ukol sa consumer protection at fair trade promotion, pinasalamatan ng kalihim ang lahat ng local government units, law enforcement agencies, at congressional offices na tumulong at nagbigay impormasyon sa Task Force Kalasag upang magsagawa ng mas malawak na operasyon.
“One might assume that once our enforcers have made their rounds in an area, that they will move on to the next. While it is true that the goal is to conduct a massive nationwide sweep in all regions, make no mistake about it: where the violators are, that is where the DTI will be. Retailers and businesses that do not comply with regulatory and safety standards for products are effectively warned. They must deal only with suppliers of legitimate products,” ayon pa sa kalihim.
Magsisilbi rin aniya itong paalala sa mga consumers na suriin ang kalidad nh produkto bago bumili.
Kung kinakailangan, tiyakin ang presensiya at kung tunay ang Philippine Standard (PS) Marks at Import Commodity Clearance (ICC) Stickers.
“Consumer vigilance will always be complementary to DTI’s commitment to eliminate substandard and unregulated products from the market, pagtatapos ni Sec. Pascual. (Bhelle Gamboa)