Baybaying dagat sa ilang bayan sa Samar, Eastern Samar at Leyte positibo sa red tide toxins
Positibo sa nakalalasong red tide ang mga baybaying dagat sa ilang bayan sa Samar, Eastern Samar at Leyte.
Ayon sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), positibo sa red tide toxins ang coastal waters ng Daram Island, Zumarraga Island at Cambatutay Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; at Cancabato Bay sa Leyte.
Una ng sinabi ng BFAR na nananatiling positibo sa red tide toxins ang coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at San Benito sa Surigao del Norte.
Lahat ng uri ng shellfish kabilang ang alamang na makukuha sa nasabing mga lugar ay hindi ligtas kainin.
Nananatili namang ligtas ang paghuli at pagkain ng lahat ng uri ng isda, pusit, hipon at alimango basta’t tiyakin na ito ay nahuhugasan ng mabuti at nalilinis bago lutuin. (DDC)