Maritime Cooperative Activity ng PH Navy at US Navy nna idinaos sa West Philippine Sea, natapos na
Natapos na ang idinaos na Maritime Cooperative Activity Commences sa West Philippine na nilahukan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng United States Navy.
Ginanap ang aktibidad sa Philippine exclusive economic zone sa Palawan.
Lumahok dito ang USS Mobile (LCS 26) at ang BRP Ramon Alcaraz (PS16).
Bahagi ng ginawang exercise ang serye ng events na layong mapaigting ang communication and operational coordination ng Navy ng dalawang bansa.
Kabilang sa isinagawa ang communications check exercise, division tactics, officer of the watch maneuver exercise, photographic exercise, at cross deck exercise.
Pangunahing layunin ng aktbidad na mapalakas ang interoperability at cooperative capabilities ng Philippine Navy at United States Navy. (DDC)