Tatlong menor de edad na gumagamit ng pekeng pasaporte naharang sa NAIA

Tatlong menor de edad na gumagamit ng pekeng pasaporte naharang sa NAIA

Nabahala si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa pagdami ng mga menor de edad na dayuhan sa bansa na gumagamit ng pekeng foreign passports.

Kasunod ito ng tatlong magkakasunod na insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan naharang ng mga otoridad ang mga menor de edad na Vietnamese na gumamit ng pekeng German passports.

Ayon kay Tansingco, maaaring biktima sila ng kaso ng trafficking of minors.

Base sa report ng immigration officers sa NAIA terminal 1 dalawang babaeng Vietnamese ang nagtangkang pumasok sa bansa at nagpanggap na sila ay German nationals.

Dumating sa bansa ang dalawa na edad 15 at 17 noong July 22 lulan ng Philippine Airlines pero hindi sila pinayagang makapasok dahil napatunayang nakaw ang hawak nilang pasaporte.

Noong July 23, isa pang Vietnamese minor ang naharang sa NAIA Terminal 1 na pasakay sana ng Korean Airlines flight patungong Incheon, South Korea kung saan didiretso siya ng Canada.

Edad 17 naman ang pasahero at natuklasan din na peke ang hawak niyang German passport. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *