Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 32 kilometers northwest ng bayan ng Lubang, 11:08 ng umaga ng Huwebes, August 1.
May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing pagyanig. (DDC)