Pangulong Marcos hinikayat ang sambayanan na mahalin ang pambansang wika

Pangulong Marcos hinikayat ang sambayanan na mahalin ang pambansang wika

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Filipino na mahalin ang pambansang wika.

Ito ay para makamit ang layunin ng bans ana pagkakaisa at mapalakas pa ang Filipino identity.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa paggunita ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Ayon sa pangulo, ang okasyong ito ay nagsisilbing mahalagang paalala sa bawat isa na mahalin ang wikang Filipino nang bukal sa puso.

Ayon sa pangulo ang Buwan ng Wikang Pambansa ay hindi lamang isang paalala bagkus ito ay isa ring paanyaya na patuloy na mahalin at pagyamanin ang ating mga wika.

Dapat aniyang isapuso at isaisip ng mga Filipino ang pambansang wika para sa progresisbo, malaya at nagkakaisang bansa.

Nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Proclamation No. 1041 noong July 15, 1997 na nagtatakada sa buwan ng Agosto bilang “Buwan ng Wikang Pambansa,” o National Language Month. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *