Pag-imprenta ng mga balota para sa idaraos na plebisito sa Barobo, Surigao del Sur inumpisahan na ng Coomelec
Inumpisahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng mga balota at iba pang accountable forms na gagamitin para sa idaraos na plebisito sa Barobo, Surigao del Sur.
Ang plebisito para maratipikahan ang pagbuo ng Barangay Guinhalinan sa nasabing bayan sa August 10, 2024.
Ayon sa Comelec, sinimulan na ang pag-imprenta sa gagamiting Official Ballots at Accountable Forms araw ng Miyerkules, July 31 sa National Printing Office (NPO).
Kabilang sa kailangang iimprenta ang 2,574 na piraso ng Official ballots; 5 sets ng Plebiscite Returns; 1 set ng Certificate of Canvass of Votes and Proclamation at 1 set ng Statement of Votes. (DDC)