Oplan Balik Eskwela Public Assistance Action Center nakatanggap ng mahigit 1,700 concerns mula July 22 hanggang 30

Oplan Balik Eskwela Public Assistance Action Center nakatanggap ng mahigit 1,700 concerns mula July 22 hanggang 30

Umabot sa mahigit 1,700 na concerns ang natanggap ng Oplan Balik Eskwela Public Assistance Action Center (OBE-PAAC) ng Department of Education (DepEd) simula noong July 22 hanggang 30.

Ito ang inilahad ng OBE-PAAC kaky Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara.

Ang OBE-PAAC ang tumatanggap ng tawag kaugnay sa mga katanungan sa enrollment at school concerns sa pagbubukas ng klase.

Sa 1,794 na concerns na natanggap, 84% sa mga ito ay naresolba na at 16% ay patuloy na inaaksyunan ng mga kaukulang opisina ng DepEd.

Ang ilan sa mga pangunahing katanungan at concern na natanggap ng OBE-PAAC ay ukol sa enrollment at school policies and operation.

Magpapatuloy naman ang operasyon ng action center ng DepEd, gayundin ang DepEd Regional Public Assistance Command Centers hanggang sa Biyernes, August 2. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *