8 munisipalidad sa Cavite isinailalim sa state of calamity dahil sa oil spill

8 munisipalidad sa Cavite isinailalim sa state of calamity dahil sa oil spill

Isinailalim sa state of calamity ang walong munisipalidad sa lalawigan ng Cavite dahil sa oil spill na dulot ng paglubog ng oil tanker sa Limay, Bataan.

Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla,
kumalat na ang oil spill sa baybayin dagat ng Cavite.

Kabilang sa mga naapektuhang munisipalidad ang Bacoor, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon, at Ternate na pawang isinailalim sa state of calamity.

Nagdeklara din ang provincial government ng NO-CATCH ZONE para sa mga shellfish sa baybayin ng nasabing mga bayan.

Kabilang sa bawal na hulihin ang tahong, alimasag, alimango, at halaan.

Ayon kay Remulla, nakatakdang mamahagi ng relief goods ang provincial government sa 25,000 na mangingisda na apektado ng oil spill. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *