Pakikiisa ng mahigit 3,000 katao sa idinaos na Philippine ROTC Games 2024, ikinatuwa ni Sen. Tolentino
Ikinagalak ni Senator Francis Tolentino ang pakikiisa sa 3,007 Cadets ng ROTC na mga participants sa buong Luzon & NCR Qualifying Leg sa ginanap na Philippine ROTC Games 2024 na idinaos sa Cavite State Sports Complex sa Bayan ng Indang lalawigan ng Cavite noong Linggo, July 28, 2028.
Naging tema ang “Husay ng ROTRC, Husay ng Kabataan” at sa naturang aktibidad meron itong mga branch of service kabilang na dito sa mga nakilahok ang delegates mula sa Philippine Army na may bilang na 1,796, Philippine Airforce naman ay nasa 525 participants, Philippine Navy na may 663 na may total na 2,984 players bukod pa dito ang 23 na mga Miss ROTC kaya umabot ito sa bilang na 3,007.
Sinimulan ang naturang programa sa parada na dinaluhan ito ng iba’t-ibang rehiyon sa Luzon ganun din ang pananalangin at pag-awit ng Lupang Hinirang kasabay ang panunumpa sa mga alituntunin sa pagiging sportsmanship.
Naging panauhing tagapagsalita si Senator Robin Padilla at nagbigay ng 500K galing umano sa kanyang kinita sa commercial endorsement para magamit ng mga ROTC Cadet na nakilahok sa Philippine ROTC Games.
Pinuri naman ni Senator Tolentino ang mga nakiisa sa naturang aktibidad dahil dito masusubukan ang kanilang tibay at lakas ganun din ang determinasyon, pagkakaisa at direksyon.
Hanga naman si Tolentino ng mga nakilahok dahil sa katatagan ng kanilang desisyon na sumali at matapang itong susuungin ang anumang training at pangpalakasang magbibigay ng kaalaman at karunungan upang lalong dumami ang magiging lider ng ating bansa dahil sa disiplinang matututunan nito.
Sa talumpati naman ni Senator Padilla sa harap ng mga cadet, pinasinungalingan nito ang umano’y hidwaan nila ni Senator Francis Tolentino sa pulitika na lumalabas sa social media kamakailan dahil sa partido.
Ayon kay Padilla, walang katotohanan ang mga nagsulputang isyu dahil malaki ang tiwala nya at paghanga kay Tolentino dahil matalik nya itong kaibigan.
Tinawag ding duwag ang mga kabataang ayaw sa ROTC na matapang lamang sa social media pero ayaw naman nito sa ROTC.
Umaasa naman ang mga mambabatas na sana’y kakatigan ng mga miyembro ng kongreso ang Mandatory ROTC upang hindi ito magiging optional lamang.